drowning memories

February 22nd, 2007 by mikikay24

i can’t breathe

my lungs could no longer contain the

water coming in through my nostrils

my heart stopped beating

my vision of you became blurry

as the waves pushed it away

to the shores my feet could no longer feel

to the sands without my footsteps

i was blinded by my love for you

had thought that you will be my lifesaver

but then your fingers slipped to mine

and let me drowned

now i’m numb for you thought me how

the coldness of the sea enveloped my being

i’m now drifting to its depth

and will stay there forever

thanks for hurting me…

Bookmark and Share

when hopelessness attacks

October 20th, 2006 by mikikay24

bakit kaya may mga problemang sabay- sabay bumubugso in just one day!grabe,di ko talaga alam ang gagawin ko…nakakawalang-ganang mabuhay…tapos yung mga taong inaasahan mong tutulong sa’yo,sila pa ang wala…ang sakit diba?hindi sana magiging problema to kung nasabi nang maaga eh, sobrang bigat tuloy dahil nagkapatong- patong…

Bookmark and Share

walang magawa

October 9th, 2006 by mikikay24

haay…heto na naman ako..maraming kailangang tapusin ngunit inuuna pa rin ang pagba-blog kesa sa acads.hehe hindi naman ako delingkwente.pangarap ko pa ring maka-graduate on time.kaya pa naman eh.pero ika nga ni dotong, party lang.magsaya muna.pansamantalang iwan ang mga problemang dulot ng pang-akademikong gawain.haay…isang sem na lang,matatapos na ang buhay estudyante ko.kakayod na ko sa sariling pamamaraan.wala ng allowance.ligtas na ang nanay at tatay ko sa pagpapaaral sa akin.hehehe

malapit na naman ang death anniversary ng bestfriend ko, sa oct 17.apat na taon nang nakakalipas nang iwan niya ang mundong ito..miss ko na sya…lalo na ngayon na kailangan ko sya…sana, maligaya ka na kung saan ka man napadpad…

salamat sa lahat ng kaibigan ko..alam nyo na kung sino kayo.hehehe ela,lhen,ven,fer,at alex..grabe iiwan nyo na ang elbi.mami-miss ko kayo!salamat sa maraming masasaya at malulungkot na bagay.hehehe manlibre kayo pag sumuweldo na kayo.hehehe

kinakapatid na maria hunyo,kailangan na nating ipasa ang math 11 at spcm 105!ampz talaga!

BKS,busy na…toooot…tooot…tooot…

Bookmark and Share

wala lang…hehehe

October 9th, 2006 by mikikay24

hanap ko lang naman ay kasagutan
pero hindi ko alam kung saang sulok matatagpuan
pagal na ang katawan sa kahahanap
maging ang isipan ay gusto nang bumitaw
sa pagkakapit nito sa natitirang pag- asa
na ngayon ay pawala na…

tinatangay na ng hangin ang balintataw
hinahabol ko ngunit palayo na
siguro nga dapat ng ito’y pakawalan
upang makarating sa dapat nitong kalagyan
sa kawalan…

sa paglaya ba nito’y puso’y matatahimik na?
walang kasiguraduhan pero bahala na
mahirap hawakan ang bagay na gusto nang kumawala
gawin mo man ang lahat upang manatili lang
sayang ang pagod, magdurusa ka lang

hayan na ang hangin, may bagay na tatangayin
ibubukas ang palad, hahayaang ito’y liparin
sa paglaya nito, sana’y makalaya na rin
sa mga palaisipang pagod ng sagutin…

Bookmark and Share

Tulang akma sa Pasko

December 13th, 2005 by mikikay24

Sa malamig sa panahon sagad hanggang buto ang ginaw

Na taglay ng hanging- Pasko sa aking kalamnan

di ko alam kung maaawa ako sa sarili

Dahil ba sa wala akong jacket

O walang mga bisig na aakap sa akin

Na magbibigay ng init sa nangangatog na katawan

Mahirap man lamig na nag- iisa

Gusto kong takasan ang ginaw

Magtatakbo kung saan man may mainit na

Hanging sasalubong sa akin

Ngunit di ko matagpuan iyon kahit saan

Ang tanging lugar lamang ay ang puso mong natatakpan

Hindi na ako makapagtago, wala nang mapuntahan

Mahirap namang ipagsiksikan ang sarili ko sa iyo

Sa kabilang banda, mabuti na rin siguro ito

At least alam ko na kahit papaano

May hanging yumayakap at tumatapik sa aking bulto

Malamig nga lang…

Bookmark and Share

yeah…almost unreal

November 29th, 2005 by mikikay24

Babe, come in from the cold and put that coat to rest.
Step inside, take a deep breath, and do what you do best.
Yes, kick off them shoes and leave those city streets.
I do believe love came our way, and fate did arrange for us to meet.

I love when you do that hocus pocus to me.
The way that you touch, you’ve got the power to heal.
You give me that look, it’s almost unreal. It’s almost unreal.

Hey, we can’t stop the rain, let’s find a place by the fire.
Sometimes I feel, strange as it seems,
you’ve been in my dreams all my life.

I love when you do that hocus pocus to me.
The way that you touch, you’ve got the power to heal.
You give me that look, it’s almost unreal. It’s almost unreal.

It’s a crazy world out there. It’s a crazy…
Let’s hope our prayers are in good hands tonight.

Oh, I love when you do that hocus pocus to me.
The way that you touch, you’ve got the power to heal.
You give me that look, it’s almost unreal.
It’s almost unreal, so unreal.

Yea come on and do the hocus pocus to me.
The way that you touch, you’ve got the power to heal.
You give me that look, it’s almost unreal. It’s almost unreal, yea.

It’s almost unreal. Do the hocus pocus to me. Do the hocus pocus…

Bookmark and Share

gandang song…

November 29th, 2005 by mikikay24
I know there's something in the wake of your smile.
I get a notion from the look in your eyes, yea.
You've built a love but that love falls apart.
Your little piece of heaven turns too dark.

Listen to your heart
when he's calling for you.
Listen to your heart
there's nothing else you can do.
I don't know where you're going
and I don't know why,
but listen to your heart
before you tell him goodbye.

Sometimes you wonder if this fight is worthwhile.
The precious moments are all lost in the tide, yea.
They're swept away and nothing is what is seems,
the feeling of belonging to your dreams.

And there are voices
that want to be heard.
So much to mention
but you can't find the words.
The scent of magic,
the beauty that's been
when love was wilder than the wind.

Bookmark and Share

huling entry…hanggang sa muli

August 24th, 2005 by mikikay24

Agosto 7, 2005

Dear Andrew,

            Happy Birthday, Bestfriend! Hindi ako makapaniwala, tatlong taon na kaming nagdiriwang ng kaarawan mo na wala ka. Ikaw kasi eh. Nawa’y maligaya ka na diyan sa kinalalagyan mo, kung saan man yan.

            Sobrang nangungulila ako sa iyo hanggang ngayon. Pinupuno pa rin ang aking isipan ng mga memorya na kasama ka. Maganda ang relasyon natin bilang magkaibigan, mag- bestfriend. Akala ko, hindi na matatapos ang bawat maliligaya nating sandali, kasama ang ibang ka- tropa natin. Ngunit napatunayan kong muli na lahat ay may katapusan. Bigla- biglang natatapos ang maliligayang sandali. Katulad mo, binigla mo kami sa iyong mabilis na pagkawala.

            Nagpaalam ka, akala ko’y biro lang. Hanggang sa gumalantang sa akin ang balitang tinotoo mo ang iyong plano. Naparalisa ang buo kong katawan. Wari’y may sumabog na bomba dahil kagyat na nawalan ako ng pandinig. Ayokong tanggapin ang balita. Hindi iyon totoo. Hinanap kita sa bawat sulok ng ating classroom. Bigo akong makita ka. Nagkaisa kaming pumunta sa inyong bahay. At doon, nakita kita.

            Nakahiga ka. May taklob ng puting kumot ang buo mong katawan. Humantad sa akin ang iyong katawan na wala ng buhay. Katabi mo ang nanay mong walang tigil ang pag- iyak at pagtatanong sa sarili kung ano ang naging pagkukulang niya. Sinisisi niya ang kanyang sarili,kung tutuusin, wala naman dapat sisihin. Nagtagumpay ka sa planong kitlin ang sarili, wakasan ang buhay. Nag- iwan ka ng mga katanungang ikaw lamang din ang nakaaalam ng mga kasagutan. Makasarili ka, madaya.

            Tanging hiling ko lang, sana’y mapayapa ka na. Mahal kita at kaylan man, hindi mawawala iyon. Muli, maligayang kaarawan

Bookmark and Share

heto pa…

August 24th, 2005 by mikikay24

Agosto 1, 2005

          Mag- isa na lang ako sa kwarto namin. Lahat ng kasama ko, umuwi na. Ako na lang ang natira. Tinamad na rin akong umuwi dahil marami akong dapat gawin na pihadong hindi ko magagawa kung nasa bahay ako. Marami kasing abala roon. Bukod dito, mahal ang pamasahe pauwi sa amin. Nagtitipid na ako ngayon. Mahirap na ang buhay.

          Heto ako, sound tripping ang drama ng lola mo ngayon. Paborito kong kanta ang Real ng Plumb. Ilang beses nang pumapailanlang ito sa ere dahil sa pagpindot ko sa repeat mode. Kung makapagsasalita lang ang mga bagay sa paligid ko, malamang sasabihin nilang patayin ko na ang player o ibang kanta naman ang patugtugin ko. Wala akong kasawaan. Malakas ang dating sa akin ng koro ng kanta.

Aren’t I lovely
And do you want me cause
I am hungry for something that will make me real
Can you see me and
Do you love me cause
I am desperately searching for something
Real

          Sa mundong puno ng kasinungalingan, mahirap matagpuan kung ano ang totoo. Aminado ako sa sarili ko na madalas hindi ako nagiging totoo. Panay projection para mapasaya at matanggap ka ng ibang tao. Akala mo tama, pero nalilimutan mo na yung talagang ikaw. Mahirap tanggapin sa simula kapag nadiskubre mo na, pero ito rin ang magpapalaya sa iyo. Anong dapat piliin? Kagandahang puno ng pagkukunwari o kapangitan dulot ng katotohanan? Mahirap magdesisyon, pra kang naiipit sa dalawang nag- uumpugang bato.

Bookmark and Share

isa pa…

August 24th, 2005 by mikikay24

Hulyo 23, 2005

          Pamilyar sa akin ang quote na nakapaskil sa corkboard ng aking roommate: “What lies before us and what lies behind us are tiny matters compared to what lies between us”. Mula pala iyon kay Ralph Waldo Emerson, ngayon ko lang nalaman. Naalala ko na kung bakit hindi na bago sa akin ang sawikain. Binigyan ako ng kamag- aral ko noong 4th year high school ng card na naglalaman ng ganoong mga salita. Valentine’s Day noon. Sa totoo lang, hindi ko pa rin maintindihan kung bakit iyon ang sinulat niya. Gayun pa man, itinago ko ito. Mahal ko ang taong nag- abot sa akin niyon. Hindi naman hinahanapan ng dahilan ang pagmamahal diba? Siguro sa pagdating ng tamang panahon, mahahanap ko rin ang kahulugan nito. Sa ngayon, hahayaan ko munang namnamin ang bawat katagang nakapaloob dito. Padadala muna ako sa pakiramdam ng pag- alala sa’yo ng taong mahal mo. Ngunit, magta- tatlong taon na rin ang nakalipas buhat ng kaganapang iyon. May nagbago kaya? Marami.

Bookmark and Share